Love Poem: Ito At Ang Mga Susunod Pa
Pj Gongora Avatar
Written by: Pj Gongora

Ito At Ang Mga Susunod Pa

Nakatingin sa malayo
Nakita kang nakatayo
Biglang naglakad papalayo
Iniwan ang ating mga pangako

Mahal naaalala mo pa ba
Nung tayo pang dalawa
Ikaw at ako ay magkasama
Kahit saan magpunta.

Pero biglang nagbago
Nag iba ang mga plano
Hindi na magkasundo
Sa maliliit na pagtatalo.

Naglaho ang lahat
Hindi nga siguro sapat
Na ako'y naging tapat
At sayo lang ako dapat.

Kahit pa man nagkaganon
Ako pa rin ay lilingon
At patuloy na tutugon
Sa araw araw na pagbangon.

Sa susunod na buhay natin
Ikaw ay aking hahanapin
Mahigpit na yayakapin
Tadhana ay hahamakin.

Pagkat ang pagmamahal ko
Hindi matatapos na lang dito
Ang buhay kong ito
At mga susunod pa ay saiyo.