Love Poem: Magic Kapote
Jhucel Del Rosario Avatar
Written by: Jhucel Del Rosario

Magic Kapote

by Sir Jhucel

Kay lakas ng mga ulan
Tumatagaktak sa alinsangan,
Kay dami ng alingawngaw sa paligid
Kagat sa labi, ngipin sa bagang ay nagngingitngit

Dalawang bagay na tumitibok
Ang syang nagmula sa alikabok,
Padalos-dalos na pinagtatama
Nawala tila ang pangamba sa pagkatok

Magkahawak kamay na nilusong
Ang bahang sa kama’y umuugoy,
Mga nakaw na sandali ay sadyang nagpapatuloy
Sirkulasyon ng dugo sadyang kay bilis ng pagdaloy

Puno ng MAHIKA ang sarap ng paligid,
Nananatiling  ang paghinga ng dalawa
Ay sakal at nakataling lingid…

Siguradong sa iba may halong pag-aalangan,
Pero ako hindi nangangambang sumugod ng bigla sa ambunan,
At MAAMBUNAN sya ng mga ulan

Dahil suot-suot ko ang aking mahiwagang kapote
Palagi ko ‘tong baon-baon
May kakambal pang pampasuwerte,
Nagbibigay sa akin ng proteksyon sa mga pasakit,
Kahit sa pagkakataong dalawa kong mga mata’y
Hindi na maimulat, tuluyan nang nakapikit