Love Poem: Constantino
Jhucel Del Rosario Avatar
Written by: Jhucel Del Rosario

Constantino

Hi JOSEPHINE, KAMUSTA KA NA?
SIGURO nagtataka ka kung bakit ako sumulat
PASENSYA  NA, pero WAG KANG MAGTATANONG,
WAG NA, dahil magiging BULAG, PIPI at BINGI,
Lang ang damdamin ko sa paghinga,
AWIT NG PANGARAP na PANGARAP LANG
LIGAW tingin  akong humahanga

Nang literal na nagkabanggaan
Nadaig ko pa ang JEEPNEY LOVE STORY
Parang PASKO SA PINAS nang ang pagtingin ko ay natali
I JUST CAN”T SAY kung ano na
Ang mga sumunod na pangyayari
CHINITO kong mga mata, sa’yo lamang nakatitig

PROMISE wala ng iba akong mahihiling
IKAW LANG TALAGA
PANIWALAAN MO crush na kita noon pa
Aking inaasam noon na AKIN KA NA
magkaHAWAK-KAMAY sa pagbuo ng TELESERYE na ALAALA
IKAW AT AKO lang wala ng iba
Pero kaya lang, sayang…
Napalitan ng sawi ang pagkahibang
Dahil KAHIT KONTI noon di mo man lang pinansin,
PAG-IBIG ko sa puso mo, napagog na sa kakaTIME-IN
AWAY BATI o COOL OFF, PILI KA LANG
Pero ‘DI NA GANUN, wag na lang
BAKIT NGA BA? IF YOU GO, PAG-AYAW MO NA at lumayo ka na
HAHANAPIN KITA… pagmamahal ko sana ang naging SANDATA
Pero wala ka na

WHAT ABOUT US? Wala na…
DI PA HULI ang lahat? Huling huli na…
BABAY, B.A.B.A.Y. na!, KAHAPON LAMANG ang saya-saya ko pa
And IF WE FALL IN LOVE sa isa’t isa sa ibang panahon
Hihilingin ko sa MESSIAH na sana tayo na lang sa maghapon

TAO LANG AKO, naiinlove, nasasaktan
Pero MAHIRAP TALAGANG MAGMAHAL NG SYOTA NG IBA,
EVEN IF meron ka ng iba,
Pag-ibig ko sayo ay hindi mawawala,
SALAMAT sa panahong tayo’y nagkasama
Sa nakaraan, Di na ko makakaTAKAS… Di na yata…

HABAMBUHAY kong dadalhin ang sakit
HIMIG NG PAG_IBIG sa ALAPAAP , sa TALA na lamang nakaukit,
Kaya SABIHIN MO NA ang gusto mong sabihin
Pero “mahal kita”
Salitang hindi ko na maaawit,
Nandito na lang ako MAGHIHINTAY,
Pero hindi na tayo magkakaLAPIT

dedicated...
to Josephine " YENG" Constantino
lml(- _ -)lml